



Change is Inevitable and Gratifying: Isang Recap ng Eleven Malulupit at Memorable na Kaganapan sa Buhay ni Marlon Nombrado sa Taong 2011
Mabilis ang mga pangyayari, parang 1/1600 Shutter speed lang | Ang Hapdi at Kirot ng Kutis ala Derek Ramsey | I’m shouting your name all over the town | Ang Pagbabalik ni Siopao. Not. | Bakasyong Engrande | The Great Paradigm Shift
7. Epic Family Gatherings are Epic
Ito na siguro ang life event this year na pinaka-kina-excite-an ko. Bukod sa concert ng The Script. Ang Angkan ni Pedro: Cruz Family Grand Reunion. Sa sobrang excited ko, sa one-month preparation, mas napagtuunan ko pa yata ito ng pansin kaysa sa acads ko. For one, marami kasi kong uuwing pinsan at tiyo’t tiya galing States. Pangalawa, matagal na rin noong huli kaming nakapag-organize ng ganitong gathering. At huli, kasi napakadami namin. I loooove many people! Naging abala ako mula sa pag-design ng t-shirt, sa paggawa ng AVP, pagpractice ng performance, hanggang sa pagpipi-picture noong mismong event. Lahat ng pagod ay worth it.
Tulad nung nauna, ang 50th Birthday Celebration ng nanay ko ang isa sa mga pinaka-busy yet pinakamasayang family gathering na naganap this year. Dahil hindi kumuha ang nanay ko ng event organizer, kaming tatlong magkakapatid ang naging punong abala sa preparations at sa mismong event. Ako rin ang naging official photographer noong gabing yun (akala ng nanay ko pro na ko.) More than anything else, ang event na ito ay worth remembering dahil syempre sa isinelebrate na birthday ng nanay ko. Sana makamit niya ang tunay ay wagas na happiness sa buhay.