





Change is Inevitable and Gratifying: Isang Recap ng Eleven Malulupit at Memorable na Kaganapan sa Buhay ni Marlon Nombrado sa Taong 2011
Mabilis ang mga pangyayari, parang 1/1600 Shutter speed lang | Ang Hapdi at Kirot ng Kutis ala Derek Ramsey | I’m shouting your name all over the town | Ang Pagbabalik ni Siopao. Not. | Bakasyong Engrande | The Great Paradigm Shift | Epic Family Gatherings are Epic | There’s No Place like Home | Si Adele, Ang Mga Cactus at Watercolor
10. Accidental Love: The UJP Story
Hindi pwedeng hindi makasama sa listahan ang (drumroooooooooll), ang accidental org ko, U-J-P! Accidental kasi una sa lahat, wala naman akong balak mag-apply sa UJP. (Yung totoo MCO nga ang binalak kong apply-an noong una.) Pero kasi isang araw, hinatak na lang ako basta ni Sarah (at take note di pa kami gaanong magkakilala nun ha) sa app orientation ng UJP. And poof! the rest is history, ikanga nila.
Weekly ED’s (Educational discussions), Batch presentation, Solo I, Batch I, Pospaper, Sigsheet, etc etc etc Inductioooooon! Mahaba-haba rin yung prosesong yun, kaya naman napalapit talaga ako ng husto sa mga batchmates ko, ang pinakabongga sa dami at energy at creativity, Batch Layag! Woooh!
Di rin naman nagtagal nakasundo ko na rin ang lahat ng mems ng org. Tutal bente lang naman kami. At muli, the rest is history.
Ito yung mga klase ng aksidenteng gusto ko. Kunwari sa una paayaw-ayaw ka, akala mo minalas ka o mali yung desisyong nagawa mo. Pero, kalaunan dun mo mapagtatanto na tama pala. Kapag nga naman destiny na ang nagdikta . Perfect, di ka na makakakontra!