-
zlehc liked this
-
isabellesarah liked this
-
nombrado posted this




Change is Inevitable and Gratifying: Isang Recap ng Eleven Malulupit at Memorable na Kaganapan sa Buhay ni Marlon Nombrado sa Taong 2011
Mabilis ang mga pangyayari, parang 1/1600 Shutter speed lang | Ang Hapdi at Kirot ng Kutis ala Derek Ramsey | I’m shouting your name all over the town | Ang Pagbabalik ni Siopao. Not. | Bakasyong Engrande | The Great Paradigm Shift | Epic Family Gatherings are Epic | There’s No Place like Home | Si Adele, Ang Mga Cactus at Watercolor | Accidental Love: The UJP Story
11. Jouney to Journ
Akala ko naman kasi matitigil na yung pangangarap kong makita sa TV at sumikat. Akala ko okay na ko sa pagluluto, sa pagiging businessman at future hotelier. Akala ko desidido na kong tapusin ang BS HRIM, masaya naman at tiyak na maganda ang future ko dito. Kesa naman makipagsapalaran pa ako sa masalimuot na mundo ng Media. Eh makulit ako. Pati yung Diyos nakulitan na siguro sa akin kaya pinagbigyan na ‘kong magshift, sa Journalism.
Ang paglipat ng college ay hindi madali. Pinaka-una sa mga kakaharapin mong problema ang paghahanap ng bagong friends. Since bagong salta ka sa lugar, malamang ay wala kang kakilala. Kaya naman ang una kong ginawa sa Maskom? Ang sumali sa Freshie/Shiftee Welcome Program Chever. Dude, feeling Freshie all over again! Kaso di na, di na maa-achieve. Sophomore na talaga ko. So nangyari nag-ala-kuya ako sa Journ blockmates ko, Block 13 – Trece Krisis. Hindi man ako naging ganoong ka-close sa kanila, keri lang. Nakilala ko din pala dun sina Ate Rose, Kuya Wowie at Toby ng LFS-CMC. Wonderful people!
Sooo… ang nangyari, medyo naghanap pa ako ng mga bagong friends. Yung bang makaka-jive ko talaga. Sophomore standing, ganyan. Medyo matatanda na. Pero mga bagong salta din sa CMC. Sino pa bang tinutukoy ko? NAKS. Naks ang pangalan ng barkada namin. Nabuo sa isang class noong 1st sem. Puro BC Shiftees at ako ang nag-iisang Journ major. See the irony? Hindi na nga ako nakapasa ng BC, ang mga una ko pang friends sa Maskom, mga taga-BC! Parang inaasar lang ako, no. Simula ng makilala ko sila, naiba talaga yung mood ko. Everyday happy, yung bang always looking forward to the future. Swak kasi! From the first time na lumabas kami as a barkada pa-LB, alam ko na. Eto na yun! Weekly class, papasyal-pasyal, text-text, chikahan ng lovelife, video for Maica, hanggang sa mag-Christmas party kami sa Eastwood. Maniwala ka bang 6 months lang, ganito na kaming ka-close? Yun ang greatest wonder ng friendship.
Along the way, nakilala ko rin ang ilan pang Journ major na batchmates, mga taga-UJP at hindi. Para bang nagkaroon ako ng instant barkada sa loob. Di ko alam kung sadyang feeling close lang ba ko o magaling lang ako makisama. Kung anuman yun, kebs lang!
Mahaba pa ang paglalakbay. Di man Journ ang una kong pakay sa paglalayag (pagshishift), nandito na ko. At di ko na siguro kaya pang lumipat uli. Tama na ‘to, mahal ko na sila.